AKO'Y BINAGO NYA (Lyrics)

Monday, January 26, 2009

Nung una ang akala ko
Ang buhay ko ay di na mag babago
At kahit ano pang gawin
Ako'y bumabalik sa maling gawain

Refrain:
Marami na akong sinubukan
Kung sino sinong nilapitan
Nang halos ako ay sumuko na
Si Jesus ay nakilala

Chorus:
Ang aking buhay ay binago Nya
Magmula ng ako'y magpasya
Sa aking puso'y paghariin Sya
Anong himala ako'y nag-iba
Kasalanan ko ay pinatawad
Ginawang anak nya sa langit pupunta
Oh kay buti ng Dios at ako'y binago nya

Lumipas ang mga taon
Lalong naging tapat ang Panginoon
Sa aking mga pagkukulang
Sya ang nagtutuwid sa aking daan

Refrain 2:
Kung iisipin ko lamang
Sa kahapon ko Sya ang kulang
Sa aking mga kailangan
Higit sya sa sino pa man

Kasalanan ko ay pinatawad
Ginawang anak Nya sa langit pupunta
Oh kay buti ng Dios at ako'y binago Nya....binago Nya
Magmula ng ako'y magpasya
Sa aking puso'y paghariin Sya
Anong himala ako'y nag-iba
Kasalanan ko ay pinatawad
Ginawang anak Nya sa langit pupunta
Oh kay buti ng Dios at ako'y binago nya

0 comments:

Friends

 
SBGDXB SONGBOOK - by Templates para novo blogger